Sekretarya ni ex-Mayor Junjun Binay sugatan sa pamamaril

by Powered by DWIZ
0 comment
Sekretarya ni ex-Mayor Junjun Binay sugatan sa pamamaril

Sugatan sa pamamaril ang babaeng secretary ni dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Nakilala ang biktima na si Monaliza Bernardo na galing sa trabaho at pinagbabaril ng suspek na sakay ng motorsiklo habang papasok na sa kaniyang bahay.

Matapos ang pamamaril, kaagad tumakas ang suspek patungong South Avenue at kumaliwa pa Barasoain Street.

Kaagad namang isinugod si Bernardo sa Makati Medical Center.

—-

 

 

 

 

Related Posts