28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Seguridad sa NAIA hinigpitan kaugnay sa banta ng pambobomba

- Advertisement -

Hinigpitan ng MIAA ang seguridad sa NAIA sa posibleng banta ng pambobomba sa NAIA.

Inanunsyo ito ni MIAA General Manager Ed Monreal bilang pagsunod sa direktiba ni transportation Secretary Arthur Tugade.

Sa katunayan ipinabatid ni Monreal na nagpapatupad na sila ng isandaang porsyentong deployment ng kanilang organic airport police at mga contracted security forces para tauhan ang lahat ng shifts.

Kaugnay nito pinayuhan ni Monreal ang pasahero na huwag ika alarma ang pinahigpit na seguridad at sundin lamang ang nakagawian nitong airport procedure.

Pinadalas din ng NAIA ang inspeksyon at random check ng mga sasakyan gamit ang bago nilang hybrid explosive detection equipment.

Dadagdagan din ang foot patrol at perimeter surveillance at dadalasan ang K9 paneling.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -