Faeldon wala pang official appointment bilang susunod na BuCor director
November 13, 2018
De Lima pinaiimbestigahan ang PNP kaugnay sa ‘palit puri’ scheme
November 13, 2018
Show all

Seguridad ng mga uuwing NDFP consultants ipinauubaya ng PNP sa AFP

Ipinauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbibigay seguridad sa mga uuwing consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa bansa.

Kasunod ito ng naging kumpirmasyon nina NDFP consultants Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni na nais nilang magbalik bansa para makipag diyalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde, wala pa silang natatanggap na koordinasyon hinggil sa pagbabalik bansa nina Agcaoili at Jalandoni.

Aminado naman si Albayalde na wala siyang ideya kung may outstanding warrant of arrest ang korte laban sa dalawa pero nakahanda pa rin aniya ang PNP na bigyan ng escort ang mga ito sakaling kailanganin.

Sa kasalukuyan, naghihintay pa aniya sila ng utos mula sa pangulo.

Samantala sinabi naman ni AFP-Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na susuportahan nila ang anumang hakbang ng mga komunista basta’t ito’y naaayon sa umiiral na batas sa ngalan na rin ng kapayapaan.

Comments are closed.