Security escorts ni Aquino ibinalik na

Security escorts ni Aquino ibinalik na

by Powered by DWIZ
0 comment 43 views

Ibinalik na ang 15 security escorts ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

Ayon kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, kanya nang inatasan si Central Police Chief Brig. General Joel Napoleon Coronel na ibalik ang mga dating security detail ni Aquino.

Ito ay matapos aniyang isiwalat ni Aquino na nakatatanggap siya ng mga pagbabanta kasunod ng pagharap sa pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng mga ninja cops.

Dagdag ni Albayalde, maaari niya ring bigyan ng security detail si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung pormal itong hihiling sa kanya o sa PNP police security and protection group lalo’t inihayag na rin aniya ng Alkalde na nangangamba ito sa seguridad ng kanyang pamilya.

Samantala, kinumpirma naman ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon na naibalik na ng PNP ang mga security detail ni Aquino noong pang Setyembre 26. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts