29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

SEC may paalala sa publiko laban sa mga investment scam

- Advertisement -

Pinayuhan ng Securities and Exchange Commission o SEC ang publiko na alamin muna kung rehistrado sa kanilang tanggapan ang mga sasalihang investment company at kung lisensyado ba ang mga security salesman nito.

Ayon kay SEC Commission Secretary Armando Pan, Jr., unang-una na dapat tandaan ng mga Pilipino ay kung ligal ang mga lumalapit sa kanilang korporasyon or partnership.

Pangalawa, kailangan din aniyang masiguro na rehistrado ang bawat investment contract or securities na pinapipirmahan sa mga miyembro ng isang investment company o grupo at kung ang mga nagbebenta or nagso-solicit ay licensed security salesman.

Pahayag ni Pan, makikita sa official website ng SEC ang mga salesmen na legal at mayroong lisensya.

Kapag too good to be true na aniya ang ipinapangako ng isang investment group, dapat nang magduda dahil tiyak aniyang bogus ito.

Ginawa ng SEC ang paalala kasunod ng kontrbersyal na Kapa Community Ministry International Inc. na sinasabing sangkot sa malawakang investment scam at posibleng maharap sa patung-patong na kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -