26.4 C
Manila
Sunday, May 22, 2022

SC pinatawan ng reprimand si Dating Chief Justice Sereno

- Advertisement -
Ad Banner 600×60

Pinatawan ng “reprimand” ng korte suprema si Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa mga naging banat nito noon laban sa mga mahistrado.

Ayon sa kataas – taasang hukuman, nilabag ni Sereno ang Code of Professional Responsibility, Code of Judicial Conduct at sub judice rule.

Matatandaang habang nakabinbin pa noon ang quo warranto petition laban kay Sereno, ay makailang ulit itong nagbitiw ng maaanghang na pahayag laban sa mga mahistrado kung saan tinawag pa niya na “bias” ang mga tumestigo sa impeachment complaint na inihain laban sa kanya ni Atty. Larry Gadon.

Maliban dito, pinag- iinhibit din ni Sereno ang mga naturang mahistrado sa pagdesisyon sa quo warranto petition na kalauna’y nagpatalsik sa kanya sa pwesto.

Ad Banner 600×60
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
Ad Banner 320×320

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

Ad Banner 320×60
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -