CBCP kinondena ang ipinatutupad na ‘mandatory pregnancy test’ ng kolehiyo sa Baguio
November 9, 2018
Piso patuloy ang paglakas kontra dolyar
November 9, 2018
Show all

Sandiganbayan magpapasya na sa plunder case vs. ex-Sen. Revilla

Magpapasya na ang Sandiganbayan first division sa plunder case laban kay dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. kaugnay ng multi-bilyong pisong pork barrel fund.

Itinakda ng Sandiganbayan first division ang promulgation ng kaso sa Disyembre 7.

Magkahalong emosyon naman ang nararamdaman ng pamilya Revilla.

Ayon kay Mayor Lani Mercado Ng Bacoor, Cavite, may bahay ni Revilla, nababagabag at na-e-excite ang kanilang pamilya sa ilalabas na desisyon matapos ang apat na taon at anim na buwang pagdinig sa kaso.

Humihingi rin ng dasal ang alkalde mula sa kanilang mga kaanak at taga suporta.

Tiwala naman si Atty. Ramon Esguerra, isa sa mga abogado ni Revilla na mapapawalang sala ito dahil inosente ang dating senador sa akusasyon.

Bukod kay Revilla, ibababa rin ng Sandiganbayan ang desisyon laban sa mga kapwa akusado nitong sina Atty. Richard Cambe at itinuturong mastermind ng pork barrel fund scam na si Janet Lim Napoles.

Comments are closed.