Aduana pabor na manghimasok na ang Palasyo sa congestion problem
November 19, 2018
5 ka mga Coop gihatagan sa P1Million nga Loan Assistance ni Gov. Tyron Uy ilalomsa MCAPC
November 19, 2018
Show all

‘Samuel’ napanatili ang lakas; signal no.1 nakataas na sa 4 lugar

(5AM Update)

Napanatili ng Tropical Depression Samuel ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanlurang direksyon sa bilis na 15 km/h.

Sa huling tala ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 660 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong papalo sa 65 kilometro kada oras.

Nakataas ang signal number 1 sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Dinagat Island Province.

Posibleng itaas na rin ang signal number 1 sa bahagi ng Southern Leyte at Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan sa bahagi ng Caraga Region, Davao Oriental, Compostela Valley, Southern Leyte, Bohol, Camiguin at Misamis Oriental.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng flashfloods at landslides.

Mapanganib din para sa mga mangingisda ang pumalaot sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1 at sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.

—-

 

 

 

Comments are closed.