Samuel Martires bilang bagong Ombudsman laking tulong sa kampanya vs. kurapsyon — Roque

0
30

Malaking tulong sa kampanya kontra kurapsyon ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Samuel Martires bilang bagong Ombudsman.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, napakahalaga na walang bahid ng katiwalian ang uupong bagong opisyal ng Office of the Ombudsman lalo na’t seryoso si Pangulong Duterte na linisin ang bulok na sistema ng pamahalaan.

Maliban sa walang bahid ng kurapsyon, malawak rin aniya ang kaalaman ni Martires pagdating sa ating saligang batas.

Inappoint ni Panulong Duterte si Martires noong Huwebes kapalit ng nagretirong si Dating Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos nitong makumpleto ang pitong taong termino.