SAMIRA GOTOC, NAGALAK SA KABATAN NG MINDANAO

SAMIRA GOTOC, NAGALAK SA KABATAN NG MINDANAO

by RPN News
0 comment 59 views

Nagalak si Hatol ni Juan 2019 Senatorial Candidate Samira Gotoc nang masaksihan ang partisipasyon ng kabataan ng Mindanao sa pagbuo ng mga batas sa One Mindanao Youth Parliament noong Agusto 16-18 sa Lake Sebu, South Cotabato.

Naging bisita si Gotoc sa closing ceremony ng nasabing pagtitipon na siyang nagbigay ng mensahe nsa mga kabataang dumalo sa pagtitipon kung saan kanyan ipinanawagan ang patuloy na partisipasyon ng kabataan sa mga usapin sa lehislatura, kalayaan sa ekspresyon, pagkakapantaypantay, at pagpapahalaga sa buhay.

Naiyak si Gotoc sa kalagitnaan ng kanyang talumpati nang mapansin si Leo Martin Cellan mula General Santo City at nag-iisang PWD kasama ng mga deligado at malamang nabibilang si Cellan sa In-school Youth, Working Youth, at Youth with special needs.

Ayon kay Gotoc ay magsusumikap pa siya sa kanyang mga adhikain para sa pagkakapantaypantay, pagpuksa ng kahirapan, paglaban sa katiwalian sa pamahalaan, pagpapahalaga sa buhay ng mga Pilipino, at marami pang iba.

0 comment

Related Posts