Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Salvador Medialdea itinalaga bilang OIC ng bansa

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executve Secretary Salvador Medialdea bilang officer in charge ng bansa.

Kasunod ito ng pagtungo ni Pangulong Duterte sa Japan para sa tatlong araw na official visit simula kahapon, October 21 hanggang bukas, October 23.

Ito naman ay bilang imbitasyon para saksihan ang pag-upo sa trono ni Emperor Naruhito.

Batay sa Special order number 1125 ng Malakanyang, inaatasan si Medialdea na pangasiwaan ang araw-araw na operasyon ng tanggapan ng pangulo at general administration ng executive department.

Inaatasan din ang lahat ng kagawaran at ahensiya ng pamahalaan na makipagtulungan kay Medialdea para magampanan nito ang tungkulin bilang OIC.

Related posts

Anumalya sa GCTA hindi dapat isisi kay De Lima — Drilon

Powered by DWIZ

Hinihinalang MILF commander arestado sa buy bust ops sa Antipolo

Powered by DWIZ

VIP treatment kay ex-Calauan mayor Sanchez binatikos ng pamilya ni Allan Gomez

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More