Sabay-sabay na proklamasyon ng mga nanalong senador nais ni COMELEC Commissioner Guanzon

Sabay-sabay na proklamasyon ng mga nanalong senador nais ni COMELEC Commissioner Guanzon

by Powered by DWIZ
0 comment 58 views

Nais ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na sabay-sabay na maiproklama ang 12 nanalong senador kapag 100% nang na-itransmit ang resulta ng eleksyon.

Ito, aniya ay upang maiwasan na ang anumang mga kontrobersiya.

Sinabi ni Guanzon, pag-uusapan pa sa pulong ng National Board of Canvassers (NBOC) kung sapat na ang porsyento ng mga naitransmit na election results para sa proklamasyon ng bahagi o kabuuan ng mga nanalo.

Muling nagbalik ang canvassing ng resulta ng eleksyon kaninang ala-1 ng hapon.

0 comment

Related Posts