Umento sa sahod ng mga guro sigurado na ngayong taon
January 11, 2019
Marijuana farm nadiskubre sa loob ng isang bahay sa Subic; 2 katao timbog
January 11, 2019
Show all

Ruta ng P2P buses umabot na sa 37

Umabot na sa tatlumpu’t pito (37) ang operational routes ng Premium Point to Point o P2P bus.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mula sa dating dalawang ruta ng P2P noong 2016, paunti-unting napalawig at nadagdagan ang mga ruta na umabot na sa mga karatig lalawigan.

Maliban kasi sa mga ruta sa Metro Manila, may biyahe na rin ang mga P2P bus sa Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pangasinan, Zambales at Pampanga.

Ibinalita naman ng DOTr na may tatlo pang ruta ng P2P ang nakatakdang buksan para mabigyan ng mas mabilis, ligtas at kumportableng biyahe ang mga pasahero.

—-

 

 

 

Comments are closed.