33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

ROTC target nang ipatupad sa senior high school

- Advertisement -

Target nang ipatupad ngayong school year 2019 – 2020 ang pagbabalik ng ROTC o Reserve Officers’ Training Corps para sa mga estudyante ng senior high school.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi ni Brig. Gen. Rolando Rodil, commander ng AFP Reserve Command na aabot sa 11,000 mag-aaral ang isasailalim sa ROTC.

Ayon kay Rodil, 100 pilot schools ang natukoy na ng DepEd at ng AFP na uunahing isailalim sa pagsasanay ngunit nilinaw nito na hindi dito kabilang ang mga mag-aaral sa BARMM.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Gatchalian na 23 bilyong piso ang kakailanganing pondo para sa implementasyon ng ROTC.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -