Rotating brownouts sa ilang lugar sa Luzon magpapatuloy

by Powered by DWIZ
0 comment
Rotating brownouts sa ilang lugar sa Luzon magpapatuloy

Ibinabala ng Manila Electric Company o Meralco na magpapatuloy ang rotating brownout sa mga susunod na araw sa ilang lugar sa Luzon.

Kasunod ito itinaas na red alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon grid sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon kahapon dahil sa pagbagsak ng ilang plantang pinanggagalingan ng kuryente.

Ayon sa Meralco, sa Abril 13 pa matatapos ang pagkukumpuni sa Sual at SLTEC Unit 1, Abril 16 sa Pagbilao Unit 3 at Abril 21 naman sa SLPGC Unit 2.

Apektado ng naging brownout ang Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Batangas, Bulacan, Cavite at Laguna.

—-

 

 

 

 

Related Posts