Robredo pwede raw ma-impeach sabi ng PACC

by Powered by DWIZ
0 comment
Robredo pwede raw ma-impeach sabi ng PACC

Maaaring maharap Sa Impeachment Complaint si Vice President Leni Robredo.

Ito ang ibinabala ni Presidential Anti Corruption Commission o PACC Commissioner Manuelito Luna sakaling mapatunayang nakikipagsabwatan aniya ito sa isasagawang imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council sa Bansa.

Ayon kay Luna, ilang beses nang nagpapahayag ng pasuporta si Robredo sa UNHRC Resolution laban sa pamahalaan na maituturing aniyang Betrayal Of Public Trust.

Iginiit ni Luna, makailang beses aniyang tila ipinalalabas ng pangalawang pangulo na guilty ang pamahalaan sa malalang sitwasyon ng pang-aabuso sa karapatang pantao bunsod ng kampanya kontra iligal na droga.

Related Posts