Richard Gutierrez at Sarah Lahbati pinaghahandaan na ang kanilang kasal

by Powered by DWIZ
0 comment
Richard Gutierrez at Sarah Lahbati pinaghahandaan na ang kanilang kasal

Tuloy tuloy na ang ginagawang paghahanda nina Richard Gutierrez at Sarah Labati para sa kanilang kasal sa susunod na taon.

Sa kanyang Instagram Post, hindi mapigilan ni Sarah ang ipakita ang nararamdamang saya at excitement para sa kanilang kasal ni Richard.

Nagpapasalamat din si Sarah sa mga natatanggap na biyaya ng kanilang pamilya gayundin ang pagdating sa kanyang buhay ng kanyang best friend at pinakamamahal na si Richard.

Sa ngayon, hindi pa inihahayag ng magpartner ang eksaktong petsa at lugar kung saan gaganapin ang kanilang kasal.

2017 nang ma-engage ang dalawa pero hindi agad natuloy ang kanilang kasal dahil sa pagbubuntis ni Sarah sa ikalawang anak nila ni Richard.

Related Posts