Reyes sa pagkasa ni Panelo sa hamong magcommute: ‘Magkita tayo sa Biyernes’

Reyes sa pagkasa ni Panelo sa hamong magcommute: ‘Magkita tayo sa Biyernes’

by Powered by DWIZ
0 comment 19 views

Magkita tayo sa Biyernes,”

Ito ang tugon ni Bayan Secretary General Renato Reyes matapos kumasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hamon na magcommute ito papasok sa Malacañang.

Una rito, hinamon ng iba’t-ibang grupo si Panelo na mag-commute para maranasan nito ang mala-impyernong bigat ng daloy ng trapiko sa bansa.

Ayon kay Reyes, nais niyang sabayan si Panelo dahil nakasisiguro siya na mahaba ang magiging oras ng biyahe nito at nais niya itong gamitin upang personal na maiparating kay Panelo ang problema sa mass transport system sa Pilipinas.

Matatandanag umani ng batikos si Panelo matapos nitong itanggi na isa ng  ‘transportation crisis’ ang bigat, at hirap na dinaranas ng commuting public dahil bukod sa masikip ang daloy ng trapiko, madalas pang nakaka-aberya ang MRT at LRT.

0 comment

Related Posts