Revilla nasa 12th spot na sa 2019 senatorial race

Revilla nasa 12th spot na sa 2019 senatorial race

by Powered by DWIZ
0 comment 100 views

Tuluyan nang na-agaw ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. kay reelectionist Sen. Bam Aquino ang 12th spot sa senatorial race ng 2019 midterm elections.

Ito ay batay sa pinaka-huling partial at official tally ng National Board of Canvassers (NBOC), kung saan nasa 87 porsyento na, o katumbas ng 146 na Certificate of Canvass (COC) ang kanilang nabibilang.

Halos 100,000 boto lamang ang lamang ni Revilla kay Aquino na nakakuha lamang ng 13,344,417 na boto.

Kaugnay nito, hindi naman natitinag sa top spot si reelectionist Sen. Cynthia Villar na nakakuha ng 23,610,580 na boto habang na sa ikalawang pwesto pa rin si Grace Poe, na mayroon namang 20,711,849 na boto.

Habang nanatili naman sa 3rd spot si Bong Go, na mayroong 19,030,884.

Samantala, pasok rin naman sa magic 12 sina:

4.) Pia Cayetano – 18,550,012

5.) Ronald Dela Rosa -17,567,258

6.) Sonny Angara – 17,027,333

7.) Lito Lapid – 15,778,223

8.) Imee Marcos – 14,775,948

9.) Francis Tolentino – 14,387,602

10.) Koko Pimentel – 13,563,083

11.) Nancy Binay – 13,453,117

—–
0 comment

Related Posts