27.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Rescue ops sa natabunang DPWH building sa Mt. Province patuloy

- Advertisement -

Napasok na ng mga rescuer ang Natonin sa Mountain Province kung saan naroon ang mga gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natabunan ng landslides dala ng bagyong Rosita.

Batay sa update ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), nagsimula nang maghanap ng mga biktima ang rescue teams at aabot na sa walong (8) bangkay ang narekober sa natabunang gusali.

Habang anim (6) katao naman ang nailigtas nang buhay.

Tinatayang 29 katao ang nakulong sa gusali matapos matabunan sa landslide.

Dalawampu (20) rito ang trabahador sa ginagawang gusali, isang project engineer, tatlong security guards at limang evacuees.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -