Radio Philippines Network
Image default
National News

Report ng MWSS ukol sa water shortage pinag-aaralan na ng Malakanyang

Pinag-aaralan na ng Palasyo ng Malacañang ang report na isinumite ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System hinggil sa naranasang water shortage sa ilang bahagi ng Metro Manila, at Rizal Province.

Ito ay kaugnay sa naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagdedisisyunan niya ang kahihinatnan ng mga opisyal ng MWSS bago sumapit ang Abril 15.

Ngunit, nilinaw naman ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na ngayong linggo ilalabas ng pangulo ang desisyon hinggil sa mga nasabing opisyal.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na natanggap na ng pangulo ang naturang ulat at patuloy pa rin niya itong binubusisi.

Matatandaang nitong Marso nang makaranas ng kakapusan sa suplay ng tubig ang mahigit isang milyong customer na sineserbisyuhan ng Manila Water.

Related posts

Mga magsasaka makakakuha na ng malaking pondo sa pamahalaan

Powered by DWIZ

Bongbong Marcos bumubuti na ang kalagayan matapos magpositibo sa COVID-19

Powered by DWIZ

NTC tinawag na ‘kawatan’ ng isang labor group

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More