Imbestigasyon sa first batch Dengvaxia cases tinapos na ng DOH
November 5, 2018
ORO DRIVERS NEGATIBO SA DRUGTEST
November 5, 2018
Show all

Rehabilitasyon sa Boracay magtutuloy-tuloy ayon sa DENR

Tuluy-tuloy ang rehabilitasyon ng Boracay.

Tiniyak ito ni Environment Secretary Roy Cimatu kahit pa binuksang muli sa publiko ang isla noong October 26.

Sinabi ni Cimatu na patuloy nilang imo-monitor ang kalidad ng tubig sa isla upang masigurong ligtas ito para sa mga turista at residente.

Nagkabit na aniya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng makabagong monitoring system para matiyak ang kalidad ng tubig sa Boracay.

Titiyakin din ng DENR ang pagsunod ng lahat ng establishments sa mga panuntunang nakasaad sa kanilang environmental compliance certificates (ECC).

Nasa 155 hotel at iba pang establishments na mayroong mahigit 7,000 kuwarto ang binigyan na ng go signal para tumanggap ng mga guest simula October 26.

—-

 

 

 

Comments are closed.