Rain or Shine pinalitan na si Denzel Bowles matapos magkainjury

by Powered by DWIZ
0 comment
Rain or Shine pinalitan na si Denzel Bowles matapos magkainjury

Pinalitan na ng rain or shine ang kanilang import na si Denzel Bowles.

Ito ay matapos magtamo ng injury sa tuhod si Bowles sa kanilang naging laban kontra Alaska Aces noong Sabado.

Nagtamo si Bowles ng injury sa tuhod nang makabanggaan si Jeron Teng sa 2nd quarter ng laban para sa 2019 PBA Commissioners Cup.

Batay sa ulat, kinuha na ng Rain or Shine si Carl Montgomery na dating naglaro sa Malaysia, bilang kapalit Bowles.

Inaasahang maglalaro na si Montgomery sa susunod na laban ng Rain or Shine kontra magnolia hotshot sa Miyerkules.

Related Posts