Quirino Bridge 2 bukas na sa mga motorista

by Powered by DWIZ
0 comment
Quirino Bridge 2 bukas na sa mga motorista

Bukas na sa daloy ng trapiko ang bahagi ng Quirino Bridge 2 o ang Concordia Bridge sa Quirino Highway sa Paco Maynila, ngayong araw.

Ito’y makaraang isara ang bahaging ito sa mga motorista upang bigyang daan ang konstruksiyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 project.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, malaking bagay ang pagbubukas ng naturang tulay upang maibsan ang inaasahang masikip at mabigat na daloy ng trapiko sa nalalapit na Semana Santa.

Samantala, ang Quirino Bridge 2 ang nagdudugtong sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Makati sa silangan at gitnang bahagi ng Metro Manila.

(May ulat mula kay Aya Yupangco)

 

 

 

 

Related Posts