31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pusher na pulis patay sa buy bust operation sa Laguna

- Advertisement -

Patay ang isang aktibong pulis sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Laguna.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO3 Jennyson Serrano na nakatalaga sa Laguna Provincial Police Office at residente ng Pagsanjan, Laguna.

Ayon sa ulat, alas-8:30 kaninang umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang mga miyembro ng Laguna Police Drug Enforcement Unit sa Sitio Ilang-Ilang, Barangay Bubukal sa Bayan ng Santa Cruz batay sa sumbong ng mga residente.

Dito nakabili ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng pitong libong piso (P7,000) ang mga operatiba ng pulisya mula mismo kay Serrano.

Nang mapansing kabaro niyang pulis ang kanyang katransaksyon, agad na bumunot ng baril si Serrano at saka nagpaputok gamit ang kanyang service firearm.

Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad at dito na napatay ang pusher na pulis.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -