Pulis patay sa pamamaril sa Maynila

0
54

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin patalikod ng hindi nakilalang salaring lulan ng motorsiklo sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Police Officer 2 Joel Padrejuan, 35-anyos, miyembro ng Anti-Crime Unit ng Manila Police District Station 4.

Ayon sa MPD, batay sa kuha sa CCTV, pauwi na si Padrejuan mula sa isang fast food chain lulan ng motorsiklo nang barilin sa G. Tuazon Street.

Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa kalibre .45 ang pulis habang isang residente ang nadaplisan ng bala pero ligtas na.

Inaalam na kung may kaungyan ang krimen sa trabaho ni Padrejuan bilang miyembro ng MPD-Anti Crime Unit.

—-