PTFoMs iniharap sa media ang 2 testigo sa pagpataya sa brodkaster na si Eduardo Dizon

PTFoMs iniharap sa media ang 2 testigo sa pagpataya sa brodkaster na si Eduardo Dizon

by Powered by DWIZ
0 comment 37 views

Iniharap sa media ng Presidential Task Force On Media Security (PTFoMs) ang dalawang testigo sa pagpaslang sa brodkaster na si Eduardo Dizon sa Kidapawan.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar Kapa ang nasa likod nang pagpaslang kay Dizon na bumabatikos sa kinasasangkutang investment scam ng grupo.

Sinabi ni Renato Sardoncillo na personal niyang nasaksihan ang pamamaril kay Dizon samantalang umamin naman ang isang Hilario Lape Jr. na kasama siya sa pagpaplano sa pagpatay sa brodkaster.

Itinuturo ni Lape si Dante Tabusares alias Bong Encarnacion, media coordinator ng Kapa ministry North Cotabato bilang mastermind kanang kamay nitong si Jun Jacolbe at ang gun man na si Junel Herogaza.

Ayon kay Task Force Undersecretary Joel Egco hindi pa naaaresto ang mga suspek dahil wala pang warrant na iniisyu ang korte.

Subalit case closed na aniya ang pagpatay kay Dizon kapag naaresto na ang mga suspek at nakasuhan na ang mga ito sa korte.

0 comment

Related Posts