30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PRRC nagluksa sa pagyao ni dating DENR Sec. Gina Lopez

- Advertisement -

Malaking kawalan para sa sambayanang Pilipino ang pagyao ng itinuturing na kampeon ng kalikasan na si dating environment secretary Gina Lopez.

Iyan ang inihayag ni PRRC o Pasig River Rehablitation Commission Chief at Executive Director Jose Antonio Goitia kaalinsabay na rin ng kanilang tauspusong pakikiramay sa mga kaanak, kaibigan at lahat ng naulila ng yumaong dating kalihim.

Paglalarawan ni Goitia, isang magaling na pinuno, huwarang guro, mapagmahal na kaibigan at isang kasamahang puno ng pangarap si Lopez na kasama niyang nagtaguyod para muling buhayin ang dating sigla at kinang ng Ilog Pasig.

Binigyang diin pa ni Goitia, hindi matatawaran ang mga naiambag ni Lopez sa pangangalaga, pagsagip gayundin sa pagtatanggol sa kalikasan na nagpaangat sa estado ng pamumuhay ng bawat Pilipino, mga kabataan at mga mahihirap na nasa kanayunan.

Tiniyak ni Goitia na ang pagpanaw ni Lopez ay hindi katapusan kung hindi isang panibagong yugto ng mas pinaigting na laban at pagpapatuloy ng mga nasimulan ni Lopez sa pagmamahal at pag aalaga sa kalikasan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -