Provincial buses pinaalalahanang bawal magbaba at magsakay sa EDSA

by Powered by DWIZ
0 comment
Provincial buses pinaalalahanang bawal magbaba at magsakay sa EDSA

Bawal magbaba o magsakay ng pasahero sa EDSA ang mga pamprobinsyang bus.

Ibig sabihin, ang mga uuwi ng Metro Manila mula sa probinsya pagkatapos ng Semana Santa ay kailangang bumaba sa terminal ng bus at hindi sa kahit saang bus stop sa EDSA.

Nilinaw ni Celine Pialago, Spokesperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala itong kaugnayan sa plano nilang tanggalin sa EDSA ang mga terminal ng mga bus na biyaheng probinsya.

Matagal na aniyang batas at nakasaad sa prangkisa ng mga provincial buses na terminal to terminal ang kanilang operasyon.

Ayon kay Pialago, pinapaalalahanan lamang aniya nila ang mga provincial bus na mahigpit na nilang ipatutupad ang batas simula sa April 21.

—-

 

 

 

 

Related Posts