Provincial bus ban sa EDSA inalmahan ng mga operator at driver

by Powered by DWIZ
0 comment
Provincial bus ban sa EDSA inalmahan ng mga operator at driver

Umalma ang mga bus workers at operators groups sa mga sistemang ipinatutupad ng MMDA para sa provincial buses.

Ayon kay Jimmy Miralles, pinuno ng National Bus Transport Workers Council, masyadong apektado ng plano ng MMDA na i ban ang pagpasok ng provincial buses sa EDSA ang transport workers.

Sinabi ni Miralles na hindi makakatulong ang ban sa provincial buses sa EDSA para maging maayos ang trapiko dahil sampung porsyento lamang ng mga ito ang dumadaan sa EDSA.

Mababawasan aniya ang kita ng bus drivers at conductors dahil mababawasan o iiksi ang kanilang mga biyahe.

Binigyang diin ni Miralles na hindi sila nakunsulta bago inanunsyo ang mga bagong sistema sa publiko.

Sinigundahan naman ni Homer Mercado, Director ng South Luzon Bus Operators Association ang pahayag ni Miralles.

Gayunman, inihayag ni Mercado na nakikita naman nila ang pagsisikap ng MMDA bilang experiment para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Handa naman aniya silang subukan ang mga panukala ng ahensya.

Related Posts