28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Provincial Board Member ng Dinagat Island patay sa pananambang

- Advertisement -

Patay sa pananambang ang Provincial Board Member ng Dinagat Island habang papauwi na mula sa pagja-jogging kaninang 7 ng umaga

Sa impormasyong ipinabatid ni Police Regional Office 13 o Caraga Director P/Bgen. Gilbert Cruz sa Dwiz, kinilala nito ang biktimang si Wenefredo Olofernes, 52 taong gulang at residente sa barangay Luna, Surigao City

Minamaneho ni Olofernes ang kaniyang motorsiklo kasama ang kaniyang may-bahay mula sa Provincial Grandstand patungo sa kanilang tahanan nang dikitan ito ng salarin na sakay din ng motorsiklo at duon na isinagawa ang krimen

Tinamaan si Olofernes sa ulo habang himalang galos lang ang natamo ng kaniyang asawa dahilan kaya’t agad isinugod ang mga ito sa ospital subalit sinawing palad na ang opisyal na idineklarang Dead On Arrival

Agad bumuo ng Special Task Force ang Caraga Regional PNP upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon at mayruon na ring reward na 50 libong piso para sa sinumang makatutukoy sa pagkakakilanlan ng salarin gayundin sa pagtuturo sa kinaroroonan nito

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -