Profiling sa ACT members tuloy

by Powered by DWIZ
0 comment
Profiling sa ACT members tuloy

Tuloy ang pagbabantay ng PNP o Philippine National Police sa mga miyembro ng ACT o Alliance of Concerned Teachers.

Ayon ito kay PNP Spokesman Senior Supt Bernard Banac ay matapos ibasura ng Court of Appeals ang petisyon laban sa ginagawang profiling sa ACT members.

Subalit nilinaw ni Banac na ang nasabing operasyon nang pagbabantay sa mga guro ay hindi naman limitado lamang sa mga miyembro ng ACT.

Trabaho aniya ng PNP na mangolekta ng mga impormasyon laban sa threat groups, criminal groups, mga sindikato, terorista at iba pa.

Related Posts