Pagdinig ng Senado sa NAIA runway mishap itutuloy ngayong araw
September 10, 2018
15 Ka police sa Northern Mindanao gidismiss
September 10, 2018

Problema sa ekonomiya pinatututukan na sa Pangulo

Problema sa ekonomiya pinatututukan na sa Pangulo

Dapat nang tutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagresolba sa problema sa ekonomiya partikular ang walang tigil na pagsirit ng inflation kaysa ang umano’y destabilization plot laban sa gobyerno.

Ayon kay University of the Philippines-Political Science Professor Ranjit Rye, lumang balita na ang tangka umanong pagpapabagsak sa pamahalaan.

Kahit naman aniya maglunsad ng destabilisasyon ay duda siyang magtatagumpay ang mga grupong nasa likod nito dahil sa popularidad ni Pangulong Duterte.

Naniniwala rin si Rye na maliit lamang ang epekto sa ratings ng Pangulo ang issue kaugnay sa pagpapawalang-bisa sa amnestiyang iginawad kay Senator Antonio Trillanes IV.

—-

 

 

 

Comments are closed.