Presyo ng mga produktong petrolyo nag-rollback

0
43

Inilarga ng ilang kumpanya ng langis ang kapiranggot na rollback sa presyo ng kanilang mga produkto.

Epektibo alas-6:00 kaninang umaga ipatutupad ng Shell ang diyes sentimos (P0.10) na tapyas presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang bente singko sentimos (P0.25) sa kerosene.

Ipatutupad naman ng Petro Gazz ang bente sentimos (P0.20) na rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Ito ang buena manong tapyas presyo na ipatutupad ng mga oil company ngayong buwan matapos ang sunud-sunod na linggong increase noong Hulyo.

—-