Presyo ng manok bahagyang tumaas

Presyo ng manok bahagyang tumaas

by Powered by DWIZ
0 comment 22 views

Bahagyang tumaas ang presyo ng manok sa merkado dahil sa pag-iwas umano ng publiko sa pagbili ng mga karneng baboy dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pinakahuli nilang tala, umabot na sa P150 ang halaga ng kada kilo ng manok.

Normal lang ayon sa ahensya ang pagtaas ng presyo lalo na kung mataas ang demand at kung binibili pa rin ito kahit na lumobo na ang preso nito.

Payo naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, maghanap ng iba pa o alternatibong mabibilhan kung sa tingin nila ay mataas ang presyo ng manok na kanilang bibilhin.

 

 

0 comment

Related Posts