Presyo ng loaf bread inaasahang bababa

by Powered by DWIZ
0 comment
Presyo ng loaf bread inaasahang bababa

Bababa ng piso hanggang limang piso ang presyo ng loaf bread.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nahikayat nila ang mga gumagawa ng tinapay na ibaba ang presyo ng loaf bread.

Aabot umano sa piso ang ibababa ng kada 400 grams samantalang dalawang piso (P2.00) para sa 600 grams ng isang sikat na brand habang ang ibang brands ay magbabawas ng hanggang limang piso at singkwenta sentimos (P5.50).

Isang brand rin ng gatas ang napag-alamang nagbawas ng singkwenta sentimos (P0.50) sa kada 80 gram pack.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na mananatili sa presyo ang ilan sa mga pangunahing bilihin hanggang sa unang bahagi ng 2019.

—-

 

 

 

 

Related Posts