35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Presyo ng gasolina muling magmamahal sa pagpasok ng linggong ito

- Advertisement -

Matapos ang 3 sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, may naka-ambang pagtataas sa presyo nito ngayong darating na Linggo

Batay sa pagtaya ng DOE o Department of Energy, papalo sa 30 hanggang 40 sentimos ang itataas sa presyo ng kada litro ng Gasolina

Papalo naman sa 10 hanggang 20 sentimos ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng Diesel at nasa 20 hanggang 30 sentimos naman sa kada litro ng Kerosene

Mula sa 3 sunod na linggong rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo, nasa 4 na piso at 50 sentimos na kada litro ang nabawas sa presyo ng Gasolina

Habang nasa 4 na piso at 20 sentimos naman ang nabawas sa presyo ng kada litro ng Diesel gayundin sa Kerosene

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -