Pustahan sa resulta ng halalan isang uri ng election offense
February 11, 2019
Presyo sa bulak sa CdeO gituhuang mosaka
February 11, 2019
Show all

Presyo ng bulaklak sa Dangwa tumaas

Tumaas na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila, ilang araw bago ang valentine’s day sa Huwebes.

Mabibili na ang isang dosena ng local red roses sa halagang P600 mula sa dati nitong presyo na P400.

Pumalo naman sa P500 ang presyo ng kada dosena ng white roses mula sa dating dalawang P200.

Ang Holland roses naman ay nasa P2,000 kada 10 piraso, habang P120 naman ang presyo ng kada piraso ng sunflower.

Samantala, P600 na ngayon ang dating P400 ng kada dosena ng local pink roses.

Inaasahan namang tumaas pa ang presyo ng bulaklak sa mga susunod na araw.

Comments are closed.