Preliminary investigation sa war on drugs inilunsad na ng UNHRC

Preliminary investigation sa war on drugs inilunsad na ng UNHRC

by Powered by DWIZ
0 comment 46 views

Inilunsad na ng UNHRC o United Nations Human Rights Council ang preliminary investigation sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa deliberasyon ng 41st session sa Geneva, umabot sa kabuaang 18 miyembro ang bumoto pabor sa resolusyon na nauna nang isinumite ng Iceland.

Dahil dito, inaatasan si Human Rights Commissioner Michelle Bachelet na maghanda ng “comprehensive written report” ng human rights situation sa Pilipinas.

Nabatid naman na 14 na member-states ang bumoto ng no habang 15 naman ang nag-abstain.

Una rito, sinabi naman ng Malacañang na walang karapatan ang grupo na manghimasok sa panloob na pamamahala sa bansa.

0 comment

Related Posts