Power outages at delayed flights asahan na matapos ang nangyaring lindol kahapon

Power outages at delayed flights asahan na matapos ang nangyaring lindol kahapon

by Powered by DWIZ
0 comment 69 views

Posibleng makaranas ng power outages ang ilang bahagi ng Luzon matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol, kahapon.

Ayon sa NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, patuloy nitong binabantayan ang status ng mga transmission facilities sa Luzon matapos ang nangyaring pagyanig.

Una rito, nakaranas na ng pagkawala ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Pangasinan, La Union, Pampanga at Bataan.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ng NGCP na patuloy pa rin nilang tinutukoy ang halaga ng pinsala ng nangyaring pagyanig.


Asahan na ang mga delayed flights sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport matapos yanigin ng malakas na lindol ang Luzon, kahapon.

Ito ang inanunsiyo ni MIAA o Manila International Airport Authority Gen. Manager Ed Monreal sa pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa ilang parte ng Luzon.

Ayon kay Monreal, bagamat walang naitalang pinsala ang nangyaring insidente sa paliparan ay i-inspeksiyunin pa rin ng mga otoridad ang pasilidad ng paliparan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

0 comment

Related Posts