Posibilidad na mga rebelde ang nasa likod ng Antipolo blast hindi isinasantabi ng PNP

0
53

Hindi isinasantabi ng Philippine National Police o PNP ang posibilidad na kagagawan ng mga rebelde ang nangyaring pagpapasabog sa Antipolo City na ikinasugat ng dalawa katao.

Ito ay bagama’t wala namang ulat ng presensiya ng mga rebelde sa nasabing bahagi ng lungsod.

Tiniyak din ni Antipolo City Police Chief Supt. Villaflor Banawagan na walang kaugnayan ang nagyaring pagsabog sa kanilang lungsod sa insidente naman sa lamitan basilan na ikinamatay ng sampu katao.

Ayon kay Banawagan, hindi niya direktang masabi kung target talaga ng pagsabog ang dalawang truck na may lulang mga sundalo ng Philippine Army na naunang dumaan bago ang pinasabugang tricycle.

Sinabi pa ni Banawagan, sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagtukoy kung anong klaseng pampasabog ang ginamit ng mga salarin.