36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Posibilidad na maging ganap na bagyo ang parating na LPA bumaba

- Advertisement -

Nabawasan ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang paparating na Low Pressure Area (LPA).

Sa kabila nito, ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na maaari pa rin itong magdala ng pagbaha at landslide oras na tumama sa kalupaan.

Sinabi ng ahensya na maaaring magpaulan ang naturang sama ng panahon sa Eastern Visayas at mga karatig lugar.

Huling namataan ang naturang LPA sa layong 2,300 kilometro silangan ng Mindanao.

Inaasahan ng PAGASA na bukas ay papasok na Philippine Area of Responsibility (PAR) ang sama ng panahon.


Coldest in Metro Manila

Naitala ngayong araw ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila para sa buwan ng Enero.

Ayon sa PAGASA, alas-7:50 kaninang umaga nang bumaba sa 19 degrees Celsius ang temperatura na rumehistro sa Science Garden sa Quezon City.

Samantala, bahagya naman tumaas ang temperatura sa Baguio City alas-5:00 kaninang umaga kung saan naitala ang 14 degrees Celsius kumpara sa 12.8 degrees Celsius kahapon ng umaga.

Sa Tuguegarao naman, naitala ang 19 degrees Celsius na temperatura kaninang umaga.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -