Bagyo inaasahang papasok sa bansa ngayong weekend
October 26, 2018
Higit 4-M katao inaasahang bibisita sa mga sementeryo sa Metro Manila
October 26, 2018
Show all

DXDX GenSan
Pondo Para Sa Public Cemetery Ng GenSan Dinagdagan

Nadagdagan na ang pondo para sa pagpapadagdag ng nitso sa General Santos City Public Cemetery sa susunod na taon, mula 2.2 milyong piso ay umakyat ito sa 2.8 milyong pisong pondo galing sa local government fund, matapos nag-alala ang mga city councilors sa lungsod sa pansamantalang pagpapasara ng City Housing Office sa Acharon Memorial Park (ACAMP) na nagsimula pa noong August 15 taong kasalukuyan.

Ayon naman sa pahayag ni Budget committee Chair Councilor Franklin Gacal Jr. hindi niya umano alam na maaaring maipasara ang naturang sementeryo kung hindi maaprubahan ang pondo na ipina-revert noong nakaraang taon dahil mas pinili na ibigay ang naturang pondo sa mga buhay. Ngunit kahit na umano pinataas ang pondo hindi pa rin mabubuksan ang sementeryo sa mga magpapalibing kung wala pang bagong nitso ang naipagawa.

Sa kabilang dako, nakahanda na ang tauhan ng General Santos Police Office para sa darating na undas sa susunod na linggo ito ay ayon sa pahayag ni PSI Davis Dulawan tagapagsalita ng GSCPO, mayroon na umano silang inilatag na mga security plans sa mga private at public cemetery ng lungsod ito ay upang mabantayan at mapanitiling mapayapa ang pagsalubong sa darating na undas.

Mayroon ring mga force multipliers ang idedeploy sa mga sementeryo, nagbigay din paalala ang opisyal na sundin ang mga mahalagang patakaran at paalala sa mga bibisita sa mga sementerye kagaya na lamang ng wag magdala ng matutulis na mga bagay, ang pagdadala ng mga bawal na inuman gaya ng alak at iba pang nakakalasing na inumin,iwasan din ang pagdadala ng mga gamit pangsugal, loud speakers na maaaring makaabala sa mga bibisita sa kanilang kapamilyang yumao at kung magdadala man ng bata ay pasuutin sila ng name tag upang mas dali silang makilala. Patuloy pa rin ang paalala ng awtoridad na maging mapamatyag pa rin sa lahat na oras.

RPN
RPN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *