Pondo para sa pagsasaayos ng Notre Dame Cathedral pumalo na sa $700-M dollars

by Powered by DWIZ
0 comment
Pondo para sa pagsasaayos ng Notre Dame Cathedral pumalo na sa $700-M dollars

Pumapalo na sa 700 million U.S dollars o halos 37 billion pesos ang nakalap nang pondo para maisaayos muli ang nasirang bahagi ng Notre Dame Cathedral dahil sa nangyaring sunog.

Tatlong pinaka mayayamang pamilya sa France ang nanguna sa fund raising campaign kung saan inaasahan ang halos 30 billion pesos na tulong mula sa isang malaking cosmetics company.

Una nang nangakong magbibigay ng 113 million US dollars o anim na bilyong piso si French Billionaire at Luxury Mogul Francois Pinaultn samantalang nangako rin ng parehong halagang ido donate ang isang oil and gas company.

Bukod pa ito sa pangakong tulong ng tech and consulting firm na Capgemini na nasa halos 57 million pesos.

Samantala, kinumpirma ni Paris Prosecutor Remy Heitz na sisimulan na ang imbestigasyon sa nasabing sunog bagamat burado na umano ang anggulong sinadya ang nasabing insidente.

Tinataya naman ng mga expert na posibleng umabot sa sampu o hanggang 12 taon ang pagsasaayos sa nasabing simbahan.

Related Posts