Pimentel aminadong kahit suspindihin ang excise tax mananatili pa ring mataas ang inflation
October 12, 2018
Naghitak Nga Mga Scams Ug Frauds Sa CDO Gikabalak-An
October 12, 2018
Show all

Pondo ng Universal Health Care posibleng kunin sa casino-lotto income

Casino at lotto income ang isa sa mga nakikitang maaaring pagkunan ng pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care Act.

Ito’y ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, pangunahing may akda rin ng nasabing panukala.

Ayon kay Recto, bukod pa sa multi-bilyong pisong kita ng casino at lotto ay pwede ring pagkunan ng pondo ang koleksyon sa sin tax o buwis sa alak at sigarilyo.

Ang mga buwis umano sa mga bisyo ay gagamitin para pondohan ang pangangalaga sa kalusugan ng sambayanang Pilipino.

Sinabi ni Recto, na naka-pledge na sa Universal Health Care Act ang incremental sin tax collections mula sa tobacco at alcohol

Umabot ng P187 bilyon ang kabuuang sin tax collection nuong 2017.

(with report from Cely Ortega-Bueno)

 

 

 

 

Comments are closed.