Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

PNP tatanggapin ang ebidensya ni Trillanes laban kay Bikoy

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na tatanggapin nila ang anumang ebidensiyang ipiprisinta ni dating senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay kaugnay ng mga alegasyon ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’, kung saan itinuro nito si Trillanes bilang “utak” sa umano’y ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, bukas ang pulisya sa anumang karagdagang ebidensiya na makatutulong sa imbestigasyon sa naturang isyu.

Samantala, tiniyak naman ni Trillanes na mayroon silang matibay na ebidensiya, at dudurugin nila ang anumang testimonya na ibibigay ni Advincula.

Ang point nito, ganyan ‘yung istorya niya, ‘di ba? And we have it, all record, and this is not the only one na.. this is not the only recording na meron. Alam niya ‘yan. So, nakita niyo ‘yung turn around. So hindi ‘yung sinasabi ngayon na lahat ito ay sinusubo sa kanya, script, lahat.. gawa-gawa ng oposisyon. Maliwanag dito sa video na ito. (…) Dudurugin ng testimonya na ito kung aabot sa korte,” pahayag ni Trillanes.

Related posts

DOT ad deal sa PTV-4 posibleng nagkaroon ng conflict of interest

Powered by DWIZ

Licensure exam sa Setyembre ipinagpaliban ng PRC

Powered by DWIZ

Deadline sa paghahain ng SOCE ipinaalala – COMELEC

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More