PNP nag inspeksyon sa Commonwealth Ave para sa SONA ni Pangulong Duterte ngayong araw

by Powered by DWIZ
0 comment
PNP nag inspeksyon sa Commonwealth Ave para sa SONA ni Pangulong Duterte ngayong araw

Nag inspeksiyon ang pamunuan ng PNP o Philippine National Police sa Commonwealth Avenue bilang paghahanda sa SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag ikot si PNP Chief Police General Oscar Albayalde at NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar sa ilang lugar na pagdarausan ng mga kilos protesta at sa paligid ng Batasang Pambansa.

Ayon kay Albayalde, wala silang nakuhang ano mang threat sa magiging SONA ngunit patuloy silang umaapela sa publiko na maging bigilante.

Sa ngayon ay wala pa aniya silang nakikitang dahilan para dagdagan ang deployment ng mga pulis sa lugar.

Samantala, positibo si Albayalde na magiging maayos ang mga kilos protesta kasunod na rin ng kanilang isinagawang dialogo sa mga lider ng grupo.

Related Posts