Duterte kinumpirmang inalok niya si Honasan bilang susunod na DICT secretary
November 9, 2018
Duterte muling idinepensa si Faeldon at Lapeña
November 9, 2018
Show all

PNP may itinuturing na persons of interest sa pagpatay sa human rights lawyer

May itinuturing nang persons of interest ang Philippine National Police (PNP) sa kaso ng pagpatay sa human rights lawyer na si Benjamin Ramos.

Ito ang inihayag ni Police Regional Office 6 Director Chief Supt. John Bulalacao, bagama’t tumanggi na itong magbigay pa ng detalye sa impormasyon.

Kasabay nito, inilatag na rin ng PNP-Region 6 ang mga posibleng motibo sa pagpatay kay Ramos.

Kabilang dito ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ni Ramos bilang tagapagtanggol ng karapatan ng mga manggagawa.

Gayundin ang impormasyong mahilig si Ramos sa sugal kung saan posibleng nagkaroon ito ng kaalitan.

Comments are closed.