PNP may apela sa pag-uugnay kay Jonas Bueno sa Silawan case

by Powered by DWIZ
0 comment
PNP may apela sa pag-uugnay kay Jonas Bueno sa Silawan case

Ayaw kumpirmahin o itanggi ng PNP o Philippine National Police kung isa sa mga itinuturong persons of interest sa pagpatay sa diesi sais anyos na dalagitang si Christine Silawan ng Lapu – Lapu City, Cebu ang isang lalaking kinilala na si Jonas Bueno.

Ito’y makaraang kumalat ang larawan ni Bueno sa ilang Online News Sites na siyang itinuturo umanong person of interest sa malagim na pagpatay kay Silawan na natagpuang tadtad ng saksak, binalatan pa ang mukha at tinanggalan pa ng lamang loob.

Gayunman, nilinaw ni Banac na hindi awtorisado ng binuong SITG ang pagsasapubliko ng mugshot ni Bueno na ginamit sa mga item ng ilang online news site dahil posibleng alias lamang ito ng tunay na salarin.

Tikom din ang opisyal kung isa nga si Bueno sa mga nasa likod ng pamamaslang kay Silawan kaya’t umapela siya sa  media at publiko na huwag munang ipakalat sa social media maging sa mga balitaan ang mugshot ni Bueno hangga’t wala pang opisyal na pahayag ang binuong SITG hinggil dito.

Related Posts