31.6 C
Manila
Sunday, May 29, 2022

PNP Chief Albayalde nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Trece Martires Vice Mayor Lubigan

- Advertisement -

Nag-paabot ng pakikiramay si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa pamilya ng pinaslang na si Trece Martires Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan at aide nitong si Romulo Guillermo.

Sa ipinalabas na pahayag ni Albayalde, kanyang sinabi na kapwa nababahala at ikinalulungkot ng kanilang hanay ang mga insidenteng may kaugnayan sa pagpatay sa ilang mga local officials.

Tiniyak naman ni Albayalde na patuloy na kumikilos at tinututukan ng mga binuong special investigation task group ng PNP ang pagsisiyasat sa mga nasabing kaso.

Nangako rin si Albayande na agad na ipaparating sa publiko ang anumang makukuhang developments ng PNP.

Kasabay nito, umapela si Albayalde sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung may nalalamang impormasyon para na rin sa mabilis na pagresolba sa kaso ng mga pinaslang na local government officials.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -